Friday, April 1, 2011

Totoy No. 1 vs. Kuya No. 1

Totoy No. 1 (yung naka-red):


Kuya No. 1 (naglalanding state niya):


Totoy No. 1 (pa-cute na state):


Kuya No. 1 (nagtataksil state. yan kasi yung gf niya na crinop niya LOL):



Updates sa mga 'to: WALA. Pero kay Potter meron. Ayun. Inaaway ako. Tsktsk...

Tuesday, March 29, 2011

I'm deleted. Fine!

Someone deleted me on his Facebook list of friends and phone book. Sige lang. Bahala ka sa buhay mo. Pero gusto ko malaman mo na hindi ako natutuwa.

Sunday, March 27, 2011

Introducing...Totoy No. 1 :-)

Update/s:

Naging okay kami ni Kuya No. 1 after his birthday. In fact, marami na rin ang naganap na inuman/videoke sessions with him and his friends. Naging okay pa nga kasi this time, mas naging open na kami parehas. I'll ask him if hot si ganito or cute si ganitong guy tapos siya he'll ask me kung okay si ganitong girl.

Pero mas naging close ako ngayon kay "Totoy No. 1", twenty year-old friend ni Kuya No. 1. Siya yung nirereto sa akin ni Kuya No. 1 nung halos deads-na-deads pa ako sa kanya. Mas na-appreciate ko siya nung inasikaso niya ako nung time na maagang umalis si Kuya No. 1 sa aming routinary inuman moments. Tapos lagi niya akong tinetext unlike Kuya No. 1 na dahil Smart subscriber daw siya e nanghihinayang magtext sa akin na isang Globe subscriber. Bullsh*t. LOL

Dumating na sa point na kino-consider na ako ni Kuya No. 1 na bestfriend. Yuck. Pero sinakyan ko na lang.

In one of our pinakamasayang inuman moments, na-mention ko kay Kuya No. 1 na 'pag naging kami ni Totoy No. 1, siya bilang "bestfriend" ko ang unang makakaalam. Ayun. Nag-walk out. Ako naman, clueless.

Sa mga sumunod na araw, sinumbatan na ako ni Kuya No. 1 na may "favortism" daw ako. Bakit daw si Totoy No. 1 lagi ko tinetext eh siya, naturingan ko pa naman daw bestfriend e hindi. I ignored him that time kasi tangina naman alam ko naman na hindi siya magrereply. Nainis ako.

Last week, Tuesday night. Maaga ako nakatulog. Sila pla ay umiinom/nagbi-videoke kasi birthday nung isa sa mga friends niya. Tinext ako ni Kuya No. 1 na sumunod. Tinext din ako ni Totoy No. 1. Pero wala ako na-replyan ni-isa sa kanila kasi tulog na nga ako. Duh! Nagdamdam si Kuya No. 1.In fact, ang kwento sa akin nung isa naming friend eh nung nalasing na si Kuya No. 1 eh hiniram yung cellphone ni Totoy No.1 para i-check kung nagreply ako. Umaga na sila natapos maginuman. Ako naman, pagkarating ko sa office eh tinext ko agad silang 2 at nagso-sorry kasi hindi ako nakasunod last night. Ping! On-line sa facebook si Kuya No. 1. "Nakakatampo ka. Hindi na ako magpapakita sa iyo." I was like...okay! Bahala ka sa buhay mo. Sabi ni Totoy No. 1, pinilit daw mag-OL ni Kuya No. 1 kahit bangag pa para lang sabihin yun sa akin. Susme.

Last Friday, late na nang in-invite ako ni Totoy No. 1 na uminom. Pero dahil sabik ako sa alak nun, pumunta ako. Sinundo ako ni Totoy No. 1 sa gate ng subdivision nila. Tapos surprise! si Kuya No. 1 nagtago lang pla sa isang poste sa susunod na street. "Shit". Yun lang nasabi ko. Si Kuya No. 1, binigyan ako ng smirk tapos umalis din. Tinanong ko si Totoy No. 1 kung saan si Kuya No. 1 pupunta. Hayaan ko na lang daw. Fine.

Wala pang 30 minutes, may I appear si Kuya No. 1. Nagmabilisang ligo at nagbihis pla. Nagpagwapo. Bwahahaha. Obvious talaga. Nag-attempt siya na lumapit sa akin pero 'di naman ako mawala sa tabi ni Totoy No. 1. Ang dami kasi namin pinagke-kwentuhan. As expected, nanahimik na naman si Kuya No. 1. Mabilis ako nalasing. Nung nagpaalam na ako para umuwi, tumayo si Kuya No. 1. Feeling ko gusto ako ihatid. Pero inakbayan na ako ni Totoy No. 1 at siya ang naghatid sa akin.

Ayun ang updates. Close na close na kami ni Totoy No. 1 at feeling ko galit sa akin si Kuya No. 1. Shit.  :-(

Thursday, March 3, 2011

Friends pa rin? :-)



Dear March 18, 2011 (Friday),

I will never forget you. Ever.

You are the last day of UPLB Fair. You are the most awaited date for UPLB grads who seldom visit elbi. You paved way for me and my elbi friends to hang out, talk, eat, smoke, drink, etc. (*wink). Just the thought of you approaching made me really excited and file a vacation leave a week in advance. I am always there for you, save for that 2007 FebFair I missed (binulutong kasi ako. LOL).

But this time, it will be different.

You share an event this day, which recently became significant to me. It was Kuya No. 1's birthday. His 22nd birthday to be specific.

Since Monday (February 14), I’ve been thinking really hard on where I should be. My elbi friends are expecting me to be there. We have so many things planned for this day. Tuesday, my friends knew about my dilemma. They were pretty much upset about it. “Jackfry” warned me that If I would not make it, our friendship will be over. I knew that this is not that serious as it appears to be but I just cannot disappoint him. Not on this time when he’s been going through tough times and I could not convince myself that he, being one of my closest elbi friends, will understand me If I won’t make it to elbi.

And so I went to elbi. Half-heartedly. I was in elbi but my mind (urgh, ok, heart) was somewhere else. I was wondering what has been happening on  Kuya No. 1's bithday party. You see, I became so attached to the new “tropa” (see my “Live a Happier Life” post) that I nearly missed elbi fair for them. Kuya No. 1 personally invited meto attend his bithday celebration a week earlier. In fact, he was the one who put his birthday on my phone’s calendar. I never informed him that I won’t be on his birthday party and that I will be in elbi. I want him to get mad at me for not making it to his birthday party. Crazy right? Maybe I just want him to notice my absence and eventually demand my time. But came the night of his birthday, he never texted me at all. I nearly burst into tears. Thank God I’m with my elbi friends who comforted me.

One of Kuya No. 1’s friend who acted as a spy for me informed me that the reason why Kuya No. 1  is not texting me is because he is with his girlfriend. I felt bad. Parang naiwan ako sa ere. Parang nagamit lang ako. Bobo. Sh*t.

I never really enjoyed FebFair because of what he did to me. But that helped me to arrive at a decision which proves to be right to-date.I bid goodbye to my other SIM card containing his number which ideally should mark the end of those damn awesome days with Kuya No. 1.

Thank you March 18, 2011.


-----

Updates:

(1)   I’m sooo over Kuya No. 1. 
(2)   I don’t have Kuya No. 1's number anymore. I never asked for his number. But we are still FB friends. We chat whenever we’re both on-line.
(3)   We are okay as friends. I initially thought of forgetting him and the tropa as If they were never my friends. Pero ang bigat. Ang hirap. Moving on is difficult if the other party remains bitter. We both agreed to preserve the friendship: a win-win case which works both on our advantage to-date. At least now, we still have “friendship” between us.

All the lessons I’ve learned through this whole experience may be put as follows:

1.      There are cases where HUMAN A fell in love with HUMAN B but could not love the former in return for some reason (e.g., not ready yet, ‘di talo, etc.) is normal.

2.      If HUMAN A and HUMAN B started out as friends, they may still remain as friends after all what happened. In most cases, this proves to be beneficial for both parties involved.

3.      If HUMAN A remains persistent about what he/she feels for HUMAN B, there is nothing wrong with HUMAN B. HUMAN A, being a friend in the first place, should understand him.

4.      In certain cases, there will be other HUMANS C-Z (who might be friends with HUMAN A and/or B) that might get involved in the scene. This is normal. Remember HUMAN B, HUMAN A is madly in love with you. There is some tendencies for HUMAN A to feel protective and possessive of you. But all will be well. Napaguusapan naman yan e.

Eto ang tragic:

5.      HUMAN B decides to avoid HUMAN A. Avoidance may soon lead to disregard. Yes, HUMAN B lost a lover. But at the same time, HUMAN B lost a friend. And depending on how “mean” HUMAN B treats HUMAN A, HUMAN B might soon find himself an enemy. Who wants an enemy?



Treasure friendship. This is one way of living a happier life. J


Sunday, February 13, 2011

Karma ko 'to. :-(

Last week, hindi man lang ako nakatanggi sa mga pagyayaya mo. Lunes na lunes, sinamahan kita uminom. Eh ano kung hindi ako naka-pasok ng office the following day? That same day, nag-decide ako na igi-give up ko na ang kagaguhan ko sa iyo. Feeling ko kasi, joke lang ako sa iyo. Hindi kasi ako naniniwala na pwedeng maging tayo o seseryosohin mo ako. 

Nung friday, nagyaya ka na naman. Naiinis ako. Sa sarili ko. Kasi nakapagdesisyon na ako na burahin ka na sa buhay ko. Pero wala. Hindi ko pa yata kaya. Kaya gaya ng dati, walang pagaalinlangan ako na sumama sa iyo kahit na 'di na ako makagulapay sa sobrang pagod. Sige lang. Tinanong kita kung bakit nagyayaya ka na naman considering na nung Lunes, magkasama na tayo. Sabi mo, pupunta ka na kasi ng Olonggapo para doon mag-trabaho. Matagal tayong hindi magkikita. Kaya gusto mo sulitin ang pagkakataon na makasama ako. Mushy. Pero pinaniwalaan kita. Sincere kasi ang pagkakasabi mo.

Sinasadya ko na hindi talaga tumabi sa iyo. O kausapin ka ng sarilinan. Dumistansiya ako. Mas pinili ko makisalamuha sa mga friends mo na alam kong tuwang-tuwa sa akin. Hanggang ngayon, panghahawakan ko yung sinabi nila na ako ang coolest "ehem" na nakilala nila. Masaya ang palitan naman ng mga kwento. Ikaw, nananhimik ka lang sa isang tabi. May sariling mundo. Habang nagsasalita ako, hiniram mo pa ang cellphone ko. Nag-type ka ng "kamusta na kayo ng bf mo?". Nang ibalik mo sa akin ang cellphone ko, nagulat ako. Tinignan kita ng masama. "Huh?". Pero ikaw, nanatili ka lang nakatingin sa akin. Mata sa mata. Putang ina, natunaw ako. “Kami pa naman. Bakit?”. Natigilan siya. Malungkot. Hindi na siya nakasagot. At dahil hindi ko nakuha nag sagot na gusto kong marinig sa iyo, sumimangot na din ako.

Hindi na kinaya ng pantog ko ang dami ng beer na nainom ko. Kailangan ko umihi. Habang naglalakad palayo sa mesa na pinagiinuman natin, sumunod ka. Inalalayan mo ako. Hindi ka pa masyado lasing nun. "Bakit ka nagagalit sa akin, 'di ba dapat ako ang mas magalit sa iyo?". Hindi pa nag-sink in sa akin nun na gusto mo na ng personal at seryosong usapan. "O bakit ka din nagagalit?", ganting hirit ko. "Bakit hindi mo ako tinatabihan? o kinakausap?". Sinabi ko ang dahilan ko. Tinanggap naman niya. Bago pa tayo makabalik, OK na tayo.

Lumipat pa tayo ng bar. Gusto ko at ng mga kaibigan mo kasi na mag-videoke. Habang nagaagawan ang mga kaibigan mo ng mic, kinausap mo ako. Dahil na rin siguro sa ingay, halos itapat mo na ang bibig mo sa tenga ko para lang itanong na "O ano na?". Ibinalik ko sa iyo ang tanong mo. "Seryoso ka ba sa akin?". "OO". Malakas ang pagsagot mo. "Ikaw?". Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsabi ng nararamdaman ko. "Gago, seryoso ako sa iyo. Sa tingin mo, sasamahan kita ng paulit-ulit ng wala lang? Gusto kita. Gustong gusto. Kung sex lang habol ko sa iyo, wala na ako dito ngayon. Kasi first time pa lang, nakuha ko na iyon sa iyo". Natigilan siya. Napatingin sa akin. Ngumisi. Heto na naman. Natunaw na naman ako. Akala ko, hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Maya-maya pa, inakbayan niya ako na halos nagyayakapan na kami. “I love you”. Putang ina. Ano na ito? Hindi muna kita sinagot. Pinakiramdaman ko kung sincere ka. “I love you too.”  Totoo yun. Sa mga panahon na ito, napadami na ang nainom mo.

Ang saya saya ko. Lalo na noong hinalikan mo ako sa labi.

Natapos ang gabi ng maayos. Pero ni hindi ka nag-text kinabukasan.

Pero hindi pa ako handang bitawan ko matapos ang mga nangyari nung huling beses na naginuman tayo. Tinanong ko ang isang kaibigan mo kung ganun ka ba talaga. Sabi niya, tamad ka daw talaga mag-text. Sabi niya, ‘wag daw ako agad mag-give up sa iyo. Sabi niya, noong unang beses na nakita niya tayo na magkasama, may “spark” daw. Bagay daw tayo. At ang pinanghahawakan ko na sinabi niya, seryoso ka daw sa akin.

Pero dahil galit nagtatampo na din talaga ako sa iyo, huli na sanang text ko sa iyo ang “Ingat ka jan sa gapo. Pagbutihin mo trabaho mo. Miss na kita.”, tapos ide-delete ko na ang cellphone number mo at magmumukmok ako ng isang lingo tapos OK na. Magmo-move on na ako. Pero nag-reply ka pang hayop ka. “Thanx Francis. Kita tayo ‘pag nakauwi na ako.” Putang ina.

Nangako ka sa akin na babatiin mo ako ngayong Valentine’s Day. Mas nauna pa nga kita batiin kaysa kay Potter e. Pero as of 1:21 PM, wala ka pa din text.

Gulung-gulo na ako sa iyo.

Pero wala akong sinisisi sa lahat ng mga nangyayaring ito sa akin. Kasalanan ko lahat ito. Meron na nga akong karelasyon, nakikipaglandian pa ako sa iyo.

Pero masaya kasi ako sa iyo e. Mahal nga kita, ‘di ba?

Susme. Ano na ba nangyayari sa akin.

Karma ito. Karmang maliwanag. Tsktsktsk…



Wednesday, February 9, 2011

Ang saya saya!!!

At dahil maganda ang gising ko ngayon at inspired kami kumanta ni Kuya Alvin, isang kaibigan na wala din kasing-ningning ang star complex, eto ang aking unang sampol.

BABALA: 'Wag mo itodo ang volume. Mabibingi ka!!! Bwahahaha!

Chasing Pavements (a Gabe Bondoc's cover):


Fallin' (a Janno Gibbs' cover):


P.S: Aayusin ko na sa mga susunod. Pagbigyan niyo na ako. First time ko pa lang naman sa paglalagay ng mga recordings chorva e. LOL.

Sunday, January 30, 2011

Aayos na ako. :-/

I forgot our monthsary. Again.

Hahaay. The week could have been fun but the thought of forgetting (for the nth time) our monthsary bothered me. I lost focus. All along, I was thinking of how I can get out of that sh*t. For those times that I forgot the god damn date, I was able to pull off believable excuses.

Usually, he would just text me with “Happy monthsary” with a frowning smiley at the end of his message. That’s my cue to offer him my apology and lay my excuses. But this time, it’s different. He texted me with a very striking “nagiba ka na nga”. No frowning smiley. But those plain words are charged. Drama princess na rin si Potter? Oh no.



I called him up and sincerely said “sorry, nakalimutan ko talaga”. Then a moment or two of dead air. I was frustrated. I expected him to curse me (I know he can’t. He doesn’t curse). I expected him to yell at me (Oh yes, he can). In an alarmed tone, I said “O ano?”. Then he hang up.

That made me think. Big time. Siguro, kahit na magaling ako magtago at magsinungaling, he knew that I was doing something else. I’ve been telling my friends that “love” and “sex” are mutually exclusive things for me. I know how to play. I also know that I love Potter. Siya lang.

Pero lately, nasobrahan yata ang paglalaro ko. Marami na yata ako nabigay sa mga kalaro ko at napansin na ni Potter na kulang na ang binibigay ko sa kanya. Hahaay…

Last Friday, he texted me “Sa Sat. Usap tayo.” I am expecting this. No. I’m expecting something worse like he would broke up with me via SMS. Paranoid much.

Last Saturday, as agreed, he came to our house. He talked about how stressful his job was. I listened. He kept on talking. In any moment, I expected him to tell me how disappointed he was of me. But he never did. I saw a very tired Potter. This is bad. Before we went to bed, pinangunahan ko na. “Sorry” (with smoldering stare). He said nothing. He was just staring at me the entire time. Blank face. Tsk. That almost killed me. “Ano ba? Magsalita ka! Magalit ka!”. Finally, he gave a cute smirk. Then a sigh. “Ah yun ba? OK na yun. Ang mahalaga, mahal mo ako. ‘Di ba?” I was petrified. OMG. This is not Potter’s typical behavior. In our 3 years + of relationship,  siya yung mas nagsna-snap at ako naman ang mostly nakikinig lang at magsasalita lang pag medyo malamig na ang sitwasyon.

“OK ka lang?”

“OO naman”, a chuckling Potter replied.

“Weh?” (I was trying to make him laugh some more)

“OO nga!”

“Hindi mo ako aawayin?”

“Naku. We had enough of that. Maybe this time, mas magwo-work ito kung magi-intindihan tayo”

I can’t say a word. Tumaas pa nga ang kaliwang kilay ko. Owver.

“Pero mahal mo pa rin ako, ‘di ba?”

I gave him a hug. “Salamat ha. I love you”

At natulog na kami.




Pag-big nga naman. J