Last week, hindi man lang ako nakatanggi sa mga pagyayaya mo. Lunes na lunes, sinamahan kita uminom. Eh ano kung hindi ako naka-pasok ng office the following day? That same day, nag-decide ako na igi-give up ko na ang kagaguhan ko sa iyo. Feeling ko kasi, joke lang ako sa iyo. Hindi kasi ako naniniwala na pwedeng maging tayo o seseryosohin mo ako.
Nung friday, nagyaya ka na naman. Naiinis ako. Sa sarili ko. Kasi nakapagdesisyon na ako na burahin ka na sa buhay ko. Pero wala. Hindi ko pa yata kaya. Kaya gaya ng dati, walang pagaalinlangan ako na sumama sa iyo kahit na 'di na ako makagulapay sa sobrang pagod. Sige lang. Tinanong kita kung bakit nagyayaya ka na naman considering na nung Lunes, magkasama na tayo. Sabi mo, pupunta ka na kasi ng Olonggapo para doon mag-trabaho. Matagal tayong hindi magkikita. Kaya gusto mo sulitin ang pagkakataon na makasama ako. Mushy. Pero pinaniwalaan kita. Sincere kasi ang pagkakasabi mo.
Sinasadya ko na hindi talaga tumabi sa iyo. O kausapin ka ng sarilinan. Dumistansiya ako. Mas pinili ko makisalamuha sa mga friends mo na alam kong tuwang-tuwa sa akin. Hanggang ngayon, panghahawakan ko yung sinabi nila na ako ang coolest "ehem" na nakilala nila. Masaya ang palitan naman ng mga kwento. Ikaw, nananhimik ka lang sa isang tabi. May sariling mundo. Habang nagsasalita ako, hiniram mo pa ang cellphone ko. Nag-type ka ng "kamusta na kayo ng bf mo?". Nang ibalik mo sa akin ang cellphone ko, nagulat ako. Tinignan kita ng masama. "Huh?". Pero ikaw, nanatili ka lang nakatingin sa akin. Mata sa mata. Putang ina, natunaw ako. “Kami pa naman. Bakit?”. Natigilan siya. Malungkot. Hindi na siya nakasagot. At dahil hindi ko nakuha nag sagot na gusto kong marinig sa iyo, sumimangot na din ako.
Hindi na kinaya ng pantog ko ang dami ng beer na nainom ko. Kailangan ko umihi. Habang naglalakad palayo sa mesa na pinagiinuman natin, sumunod ka. Inalalayan mo ako. Hindi ka pa masyado lasing nun. "Bakit ka nagagalit sa akin, 'di ba dapat ako ang mas magalit sa iyo?". Hindi pa nag-sink in sa akin nun na gusto mo na ng personal at seryosong usapan. "O bakit ka din nagagalit?", ganting hirit ko. "Bakit hindi mo ako tinatabihan? o kinakausap?". Sinabi ko ang dahilan ko. Tinanggap naman niya. Bago pa tayo makabalik, OK na tayo.
Lumipat pa tayo ng bar. Gusto ko at ng mga kaibigan mo kasi na mag-videoke. Habang nagaagawan ang mga kaibigan mo ng mic, kinausap mo ako. Dahil na rin siguro sa ingay, halos itapat mo na ang bibig mo sa tenga ko para lang itanong na "O ano na?". Ibinalik ko sa iyo ang tanong mo. "Seryoso ka ba sa akin?". "OO". Malakas ang pagsagot mo. "Ikaw?". Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsabi ng nararamdaman ko. "Gago, seryoso ako sa iyo. Sa tingin mo, sasamahan kita ng paulit-ulit ng wala lang? Gusto kita. Gustong gusto. Kung sex lang habol ko sa iyo, wala na ako dito ngayon. Kasi first time pa lang, nakuha ko na iyon sa iyo". Natigilan siya. Napatingin sa akin. Ngumisi. Heto na naman. Natunaw na naman ako. Akala ko, hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Maya-maya pa, inakbayan niya ako na halos nagyayakapan na kami. “I love you”. Putang ina. Ano na ito? Hindi muna kita sinagot. Pinakiramdaman ko kung sincere ka. “I love you too.” Totoo yun. Sa mga panahon na ito, napadami na ang nainom mo.
Ang saya saya ko. Lalo na noong hinalikan mo ako sa labi.
Natapos ang gabi ng maayos. Pero ni hindi ka nag-text kinabukasan.
Pero hindi pa ako handang bitawan ko matapos ang mga nangyari nung huling beses na naginuman tayo. Tinanong ko ang isang kaibigan mo kung ganun ka ba talaga. Sabi niya, tamad ka daw talaga mag-text. Sabi niya, ‘wag daw ako agad mag-give up sa iyo. Sabi niya, noong unang beses na nakita niya tayo na magkasama, may “spark” daw. Bagay daw tayo. At ang pinanghahawakan ko na sinabi niya, seryoso ka daw sa akin.
Pero dahil galit nagtatampo na din talaga ako sa iyo, huli na sanang text ko sa iyo ang “Ingat ka jan sa gapo. Pagbutihin mo trabaho mo. Miss na kita.”, tapos ide-delete ko na ang cellphone number mo at magmumukmok ako ng isang lingo tapos OK na. Magmo-move on na ako. Pero nag-reply ka pang hayop ka. “Thanx Francis. Kita tayo ‘pag nakauwi na ako.” Putang ina.
Nangako ka sa akin na babatiin mo ako ngayong Valentine’s Day. Mas nauna pa nga kita batiin kaysa kay Potter e. Pero as of 1:21 PM, wala ka pa din text.
Gulung-gulo na ako sa iyo.
Pero wala akong sinisisi sa lahat ng mga nangyayaring ito sa akin. Kasalanan ko lahat ito. Meron na nga akong karelasyon, nakikipaglandian pa ako sa iyo.
Pero masaya kasi ako sa iyo e. Mahal nga kita, ‘di ba?
Susme. Ano na ba nangyayari sa akin.
Karma ito. Karmang maliwanag. Tsktsktsk…
hala ka. dude, hindi mo ba naiisip yung pwedeng maramdaman ng karelasyon mo kung halimbawang malaman nya ito? importante ba sayo ang kaligayahan mo? ang hirap ng sitwasyon mo na yan. magisip isip. piliting wag makasakit. :)
ReplyDeleteThanx Jepoy. :-(
ReplyDeletekaya nga... maxado kasing nagpapadala sa nararamdaman.. ayaw mag-isip.. hindi lang pansariling kaligayahan ang dapat unahin... isipin din ang ibang tao.. bottomline lang naman dito eh, kung sinong mas mahal mo eh... kaso, nahihirapan kang mamili kasi parehas mo silang mahal... sana dalawa ang puso moh... wahaahha... sinong matimbang, si potter or si kuya number 1?
ReplyDelete