Sunday, December 19, 2010
Ako na...ako na ang...Wedding singer? Huwaaat?
My sister (also a wanna-be singer) texted me two (2) weeks ago with this message: "Kakanta ka daw sa kasal ni x x x (best friend niya). Ang kakantahin mo daw yung OST sa Lobo ni Angel at Piolo."
Damn it. Im doomed.
First, hindi ako nanonood ng Lobo. kaya 'di ko alam yung kanta. Second, bihira ako kumanta sa harap ng madaming tao (Twice lang sa buong buhay ko. Ung una, christmas concert sa park at wala ako takas dahil bagong member ako ng org ko sa U.P. Ung second, singing competition. Wala na ibang choice na magre-represent sa org, ako na lang.Talo naman. Tsktsk!)
Pwede ako tumanggi. Pero hindi. Magagalit ang soul sister ko. Baka 'di na ako pwede maka-rampa sa bahay nila sa Pangasinan. Ok na. Kakanta na ako. (Napa-OA yung title ng entry na ito. Wedding singer, eh 1 song lang naman yung part ko dun sa reception. lol)
Kailangan ko maghanda.
Nakapag-download na ako ng mp3 ng kanta (ang title pala, Ikaw ang Aking Pangarap by Martin Nievera).
Nakapag-download na rin ako ng minus one sa youtube.
Pinanood ko na via youtube halos lahat ng mga kumanta ng kantang yun. (Perfect ang version ni Jed at Sarah, by the way)
After all these preparations, ang masasabi ko lang, ANG HIRAAAAP NG KANTA! :-(
Actually, i tried to sing and record the song last night. Eto ang result (paki-click na lang ung "Unang Subok" hihihihi).Pero hindi pa rin ako satisfied.Kailangan pa ng praktis. More praktis. Hahaaay...
Unang Subok
Ilang Tips:
Sabi ng nanay ko, kailangan ko mag-praktis gamit ang mic. Iba daw kasi. (read: videoke time! partey na 'to)
Sabi din ng nanay ko, mahirap daw kumanta sa umaga. Kaya dapat, umaga ako mag-praktis. (Patay)
Actually, marami pang sinabi ang nanay ko. Very stage mother. Hahaha...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ano nangyari dito? mataas tong kantang to ah.
ReplyDelete