Wednesday, December 22, 2010

Rustan's: Sh*t. Ang mahal

Swerte talaga ako sa mga raffle-raffle na yan. In fact, kahit hindi naman ako present, nabubunot pa rin ang pangalan ko. Kahapon, three (3) times ako nabunot sa raffle. Isa sa mga napanalunan ko ay Rustan's Gift Certificate worth PhP 500.00. Pwede na. :-)

At dahil wala naman malapit na Rustan's sa Bagong Silang, sumibat na lang ako sa office (Makati) para pumunta sa Rustan's (Makati din) at magamit na ang GC. Alam ko naman na mall ang Rustan's.  Gusto ko sana bumili ng pink na polo shirt o kaya jacket o kaya ng wine na pang-regalo sa barkada ko. Akala ko, masa ang Rustan's like SM ya know. :-) Lalo pa na-affirm ang ka-engengan na ito dahil and Rustan's ay pinagigitnaan ng mga Glorietta chorva.

Enter the entrance of Rustan's. Hmmm.... amoy mabango. Hindi amoy C.R. Amoy mayaman. At ang Christmas decor na usa, ang taray. May vest na kulay ginto. Kinabahan tuloy ako bigla. Pero ang mga salesman, hmmm... pwede. Oops. Understatement. Pwedeng pwede (Napaghahalatang zero kimbol pa din 'til now)

Siyempre, dahil PhP 500.00 lang ang GC ko at ayaw ko naman mag-labas pa ng pera, dun muna ako tumingin sa mga mukhang mura lang.

T-shirt (na ubod ng nipis ang tela, babakat ang utong at taghiyawat mo sa likod) = PhP 1,250.00

BOOM! Nanlamig ako. Hahahaha. Muntik na ako mag-pass out. Nag-escalator muna ako. Syete. Ang mga mamimili, burgis. Potek. Napasubo ata ako a. Walang gustong imistima sa akin. Suot ko pa naman ang nalapastangan kong striped sneakers. Teka, sneakers na lang bibilihin ko.

Lakad, lakad... Hindi na yung style yung tinitignan ko. Dumidiretso na ako sa presyo. May PhP 3,500, may PhP 4,100.00. Sumuko na ako. Escalator ulit. Tingin tingin. Feeling ko, namumutla na ako. Haha. :-))

Habang halos tulala, tumambad sa aking harap ang sapatos na ito:




Pwede. White. Green na sintas. Malambot na sole (internal) pero matigas yung swelas. Elegante. Nice talaga. Pero bigla ko naalala, PhP 500.00 lang pala GC ko. May I check the presyo nga...charan:




Sige na. Kahit labag sa loob ko. Dinagdagan ko na lang. Tsktsk...

O Rustan's, muntik mo na ako mapatay. Ang mahal mo putang ina mo. :-))

1 comment: