Natagalan din bago ako nakapag-post ulit. Napadalas kasi ang partey ko with friends. I remember a week na tatlong (3) partey ang in-attend-an ko. Yung isa dun, sa elbi (Los Baños) pa. Speak of time management maka-partey partey lang.
Sa mga panahong sinusulat ko ang entry na 'to, sisinghot-singhot ako. Hindi dahil emo at nagu-umiyak ako pero dahil tinamaan ako ng flu. Sinasabayan pa ng ubo na lume-level sa kahol ni Brandy (famous dog ni Kuya Alvin).
Yesterday, a friend of mine left and went back to some middle eastern country. She's a nurse and was here in PH for around two (2) months for vacation (according to her, but homecoming for me). And just so you'll have an idea of how we are as friends..eto. Para sa iyo ito, Bienmelyn Rocio Lagasca:
- Ikaw na Grade 2 pa lang hanggang 4th year H.S, magka-klase na tayo.
- Ikaw na Grade 3 pa lang, nambugbog ka na ng kaklase (i.e., Timothy Baylon) dahil ninakaw niya yung I.D mo at nung sinasauli na sa iyo eh biglang nag-confess ng puppy love niya sa iyo. Ayun. Nag-amok ka tuloy.
- Ikaw na sinasama ako sa bahay niyo noong Grade 4 para kunin ang xylophone mo. Tuwang-tuwa ako na tumugtog nun kasi pangarap ko na makasali sa drum ang lyre band ng school at alam kong alam mo na you're doing me a favor sa tuwing pinapahiram mo sa akin ang xylophone mo.
-Ikaw na nagbansag sa akin ng "chuckie" na hanggang sa mga panahong ito eh pinapangatawanan ko.
-Ikaw na Grade 5 or 6 eh nakipagsabunutan sa isang kaklase (i.e., Lea?). Wonder sabunutan kasi with matching gulong-gulong pa kayo sa sahig natin.
-Ikaw na 1st year pa lang, hindi na nagkalayo ang ating mga upuan. Since then, walang humpay at wagas ang pangungupal natin sa iba nating classmates.
-Ikaw (at si Badet) lang ang nakasakay sa panatisismo namin noon kay Leila Barros ng Brazil nung 2nd year tayo.
-Ikaw na ang napasama sa Top 10 noong third year pero absent ka naman nung in-announce ni Ma'am Dignos. Kailangan mo pang puntahan sa bahay niyo para marinig mo ang good news and in turn silbihan kami ng meryenda. Haha!
-Ikaw na nag-shine talaga noong senior prom natin.
-Ikaw na hindi nakalimot mag-text and i-friendster ako noong mga panahong kailangan kong lumayo for college (sa elbi ako while ikaw, sa Q.C nagaral)
-Ikaw na nandoon nung nag-prepare si Mama ng surpirse partey for me noong grumaduate ako from college. At first, ayaw ko talaga ng partey na iyon kasi mas gusto ko mag-celebrate sa elbi. Pero dahil andun ka, naging extra special ang celebration.
-Ikaw na present din kapag gumigimick tayo sa NovaStop kapag may sahod na ako galing sa TeleTech Nova.
-Ikaw na most of the time eh naka-pout sa mga pictures mo.
-Ikaw na ang nagpasalubong sa akin ng chocolates as soon as nagbalik-Pinas ka. At pinayagan mo pa ako kumupit ng more chocolates para may suhol sa nanay ko for going home late again. Haha!
-Ikaw na laging may invitation sa akin para pumartey at ako naman na walang tinanggihan sa mga invitations mo, masulit ko lang ang rare time with you while on vacation ka.
-Ikaw na kung pumartey eh wagas din.
-Ikaw na merong Ival. :-))
-Ikaw na. Ikaw na nga Bhien!
- At ikaw na cry baby! Aminin mo, hindi ka naman iiyak sa post na ito eh di ba?
Hanggang sa muling pag-partey partey natin! Ingat dyan. Alam kong sahod-balde ang laway ng mga Arabo diyan sa iyo. Hahaha.
Mami-miss mo ako. Aminin mo yan 'teh!
P.S.
Sa isang kaibigan na feeling niya eh lagi siyang iniiwan o iniwan ko siya...read this. Feel me. And try to remember how I tried to remind you yesterday na walang iwanan while i'm sulking because I need to say (temporary) goodbye to a friend. OO, kinokonsensiya kita. LOL
No comments:
Post a Comment