Sunday, January 23, 2011

Laro ba 'to?

Remember Kuya No. 1 sa aking post entitled “Live a Happier Life :-))"?

Kuya No. 1: San ka?
Me: Office. Ikaw?
Kuya No. 1: Bahay. Walang magawa. Bored na ako.
Me: Oh. So ano plano?
Kuya No.1: May lakad ka tonight? Inom tayo?
Me: Wala naman. Sige. Text na lang kita. May pinapa-rush sa akin ang Boss ko eh.
Kuya No. 1: Ok. Asahan kita ha. May problema ako e.

Tinapos ko agad ang pinapatapos sa akin ng Boss ko. Tapos sumilip agad sa Facebook para i-check kung on-line pa si Kuya No. 1. Positive. Binalikan ko ang FB conversation namin. May problema daw siya. Hmmm… Napaisip ako. Siguro big time at kailangan ng alak. Siguro babae. Siguro barkada. Siguro pamilya. Hahaaay…Considering na hindi naman kami talagang close, sumuko na ako sa kaka-assume.

Pero iba ang nararamdaman ko sa inuman na ito. Bonggang kaba. Kinailangan ko humingi ng payo sa isang kaibigan.

Me: (After telling him na kinakabahan ako sa invitation no Kuya No. 1)
Friend: Ay, kinakabahan ka kc alam m0ng mer0n kang ga2wing KASALANAN. Wahaha!
Me: haaay naku. siguro nga. pero ibang kaba ito eh. :(
Friend: Nahu2l0g ka na sa kanya!
Me: Putangna. Wag ka nga ganyan.
Friend: Ui! Pagpa2lit n c p0tter para kay kua 1. Wahaha!ü Hindi ka mamu2tla? 22l0y k pa b mea ha? 00 o HINDI?
Me: Nagiisip p ako. Ano advise mo. Tuloy o Huwag?
Friend: Kc depende naman un sau. Kung ikaliligaya m0h naman ang pagpunta dun eh. Kas0 kung mer0n kang nafefeel n d maganda, wag n lang dba? Bka kung anu pang mangyari. Besides, t0d02 gala ka na dis past few weeks.
Me: Tuloy o Hindi?
Friend: HINDI!  Dba sbi m0h ayaw m0h ng mattempt? Pinipigilan m0h n un. Pagpa2l0y m0h lng un. Aminin m0h, d ka makatiis?  Dba sabi m0h iniiwasan m0ng gumawa ng d maganda. Kpag pumayag ka sa al0k ni kua, Given na un n me mangya2ri. Nagets m0h na?
Me:  Hindi ako papayag na may mangyari. Solb na ako sa 1 beses lang. May problema daw siya. Kaya ayun, kailangan lang yata ng kausap. Nakokonsensya naman ako pag ii-ignore ko lang.

Kahit na ang lakas ng ulan at mas masarap sana matulog sa bahay, pumunta ako (sorry Friend). Hindi ko kayang baliin ang pangako ko kay Kuya No. 1 sa panahong ito. Habang nasa biyahe,  tinext ko yung mga high schook friends ko na kasama ko nung 1st time na pumunta ako sa subdivision niila Kuya No. 1. Wala reply. Mas lalo akong kinabahan. Putangina naman. Ako lang mag-isa? Gusto ko na sanang mag-back out nang tumawag si Kuya No. 1 sa akin.

Kuya No. 1: 'San ka na? Kanina pa kita hinihintay (may bakas ng pagkairita sa boses niya).
Me: On the way na. Pero nagdadalawang isip ako. Si (bugaloo) at si (pilay), hindi nagrereply sa mga text ko. Ako lang mag-isa. Nahihiya naman ako (sigh here). Kinakabahan ako.
Kuya No. 1: O, kung ayaw nila sumama hayaan mo na sila. Ikaw lang naman talaga gusto ko makasama tonight eh. Tsaka bakit ka kinakabahan? ‘Di ba in-assure na kita na walang mangyayaring masama sa iyo basta’t kasama mo ako? ‘Di ba?
Me: Oo na oo na. Malapit na ako. Sige. Text kita ‘pag nasa gate na ako ng subdivision iyo.

Sa totoo lang, sa halip na kiligin ako sa mga sinabi niya, tumodo na ang kaba ko. Naguguluhan ako. Susme. From the eternal words of the great Nishiboy, “what am I doing with my life?” LOL

Pero wala pang ten (10) minutes, nasa gate na ako ng subdivision nila. At nang akmang kukunin ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng U.P jacket ko, palapit na siya sa akin. Putang ina. Muntik na ako tumakbo. Si Kuya No. 1, naka-boxer shorts at muscle shirt lang kahit na hanglamig…. May isang extra payong pa na I assume, para sa akin.

Kuya No. 1: Takot pa?
Me: OO. Pero hayaan mo, lilipas din ‘to (sa totoo lang, ihing-ihi na ako sa kaba at lamig.tsk)
Kuya No. 1: O eto payong. ‘Wag ka magpaulan. Ako, kagagaling ko lang sa sakit.
Me: ‘Wag na. OK na ako sa hood nitong jacket.
Kuya No. 1: Pasaway ka talaga. Halika nga dito (habang inakbayan ako at hinila palapit sa katawan niya)
Me: Ok na OK na. May yosi ka (read: na-stress si tanga LOL)?

‘Pag dating namin sa bahay nila, pumasok siya sandali. Susme. Hindi ko alam kung sino ang ite-text ko. Gusto kong may makaalam kung nasaan ako sa mga panahong yun para kung mawala na lang ako bigla, may lead sa kaso. Seryoso yun. Pero na-blangko ako. Lumabas agad si Kuya No.1 at may dalang yosi.

Kuya No. 1: Gusto mo ng yosi ‘di ba? O.
Me: Oi. Salamat. Matutulog na yata sila (kapamilya ni Kuya No. 1)
Kuya No. 1: Ah. Oo. Hayaan mo lang yan. Nagpaalam naman ako na may darating nakaibigan ko e. Dito ka matulog ha.
Me: (this time, medyo naiibsan na ang kaba ko. Siguro dahil na rin sa yosi?) O. Sige. Ite-text ko lang si Mama.
Kuya No. 1: OK. Sabihin mo ihahatid kita bukas sa inyo.
Me: (This time din, medyo nagsi-sink in na sa akin na napa-mushy na nga si Kuya at pwede na din kiligin ng kaunti) Sige na sige na. Magpabili ka na ng alak. Kung makita mo si (kuyang may Listen ni Charice sa cellphone niya), isama mo na. Baka ma-bore ka kasi sa akin.
Kuya No. 1: Sige. Sandali lang ha.


Nang bumalik si Kuya No. 1, kasama na nga si Paul. Kasama na din si Dan (bading din).

Me: O, game na para makarami.
Kuya No. 1: San mig light lang yung sa iyo para ‘di ka agad malasing. Galing ka ng trabaho ‘di ba?
Dan: Yown! (Tawa ng malakas)
Me: Eh kaya nga tayo iinom ngayon para malasing ‘di ba? Hahaha. O, ano yung problema mo? Kwento mo na.
Kuya No. 1: Mamaya na. Tsaka sa iyo ko lang gusto sabihin yun. (at kumindat pa si tanga sa akin)
Dan: OMG. Alis na lang kaya kami ni Paul?
Paul: ‘Wag naman (read: sabik sa alak si tanga LOL)

Kwento dito. Bola doon. Inom dito, buga doon. Masaya naman ang inuman na ito. Hindi nga perfect (kasi walang videoke o kaya dumadagundong na sounds) pero OK na din. At least this time, wala na masyado tensiyon.  Komportable na. Ubos na ang alak. Aaminin ko, napalakas ang inom naming lahat.

Dan: O, bili pa ako?
Paul: Siyempre. Ano gagawin natin, tutunganga?
Me: Sige. San kayo bibili? Sama ako!
Dan: ‘Wag na. Dito ka na lang. (tawa here. Isang mapang-asar na tawa sabay tingin sa amin ni Kuya No. 1)
Me: Tse!
Kuya No. 1: Ayaw mo?
Me: Gusto! (tawa ng malakas here)


Putang ina. Lasing na ako. Nagsisimula na akong lumadi eh. LOL


Kuya No. 1: O bakit may singsing ka? Dalawa pa.
Me: O. ‘Di ba sinabi ko na sa iyo last time na may boyfriend ako? Yung isa, binigay niya nung 1st monthsary namin. Yung isa, nung 1st anniversary namin.
Kuya No. 1: Ilang years na kayo?
Me: 4 years na sa August 26. Bakit?
Kuya No. 1: O, ang tagal niyo na pala ng boyfriend mo eh. Bakit ka pa nandito?
Me: ‘Di ba ikaw yung nag-invite sa akin? Sabi mo may problema ka kaya gusto mo uminom?
Kuya No. 1: (Halakhak here) Ah yun ba? Bored lang ako. Tsaka nami-miss kita e.
Me: Putangina. Seryoso?
Kuya No. 1: Oo nga. OK na sana kaya lang ngayon may problema na talaga ako.
Me: O ano na yan this time? Bored ka na ulit? Inaantok ka na? Hahahaha!
Kuya No. 1: Pano na ako? May boyfriend ka na pla e.
Me: Ganun? Kaya ko naman kayo pagsabayin eh (thinking na nakikipagbolahan lang si Kuya No. 1 sa akin kaya nahiritan ko siya ng ganito, sabay halakhak)

Dead air. Awkward. Nakakahiya kasi napalakas ang tawa ko. Si Kuya No. 1, nagiba ang mood. Nalungkot. I feel na genuine ang lungkot na iyon considering na masayahin ang disposisyon niya mula nung una ko siyang makita.



Me: Ay. Ano ba. Ano ba plano mo kasi? (read: Katorse? LOL) ‘Di ba may girlfriend ka?
Kuya No. 1: Iba ka eh. Basta. Masaya ko ‘pag nakakasama kita.. Parang gusto ko bukas kasama ulit kita.
Me: Aw.

Yumakap siya. Mahigpit. Nakaka-suffocate na yakap.

Me: Oi. Iba na yan ha. (virgin tawa here)

Hindi nagsasalita si Kuya No. 1.  Hinaplos ko na lang yung buhok niya. Walang gustong magsalita ni isa sa amin.

Hindi fake ang moment na ito.  Alam ko . Masaya ako. Ganito ang feeling ko nung una kaming mag-hug ni Potter. Ito yung tipo ng yakap na ini-enjoy lang at normally hindi nauuwi sa sex.

Magkayakap pa rin kami nung dumating si Dan at Paul. At gaya ng dati, natawa ulit si Dan. Si Paul naman, parang na-shock.

Me (to Paul): O bakit?
Dan: Hahaha. ‘Di yumayakap kahit kanino yan si Kuya No. 1. Kahit sa mga babae.
Paul: Lasing na yata yan eh. Oi, pumasok ka na.
Kuya No. 1: (Habang dahan-dahan na kumawala sa pagkakayapos sa kin) Hindi no. Bumili ba kayo ng yosi? Pulutan?
Dan: (Halakhak)
Paul: Pinapaalis mo ulit kami?
Me: (Kilig much. Wagas na kilig)

Masaya ang gabing yun kahit na natigil din ang 2nd round ng inuman dahil lumubas ang tatay ni Kuya No. 1. Naiintindihan ko si Sir. Bata pa nga naman si Kuya Nio. 1 (22 y.o) para magpakalango sa alak.

Ako, lango na din. Sa alak. Sa yosi. Sa yakap, ni Kuya No. 1. :-)

Ngayon, confused ako. Hindi ko alam kung naglalaro lang si Kuya No. 1. Hindi ko din alam kung ano ang next move ko. O maghihintay na lang ba ako ng next move niya.

Kung naglalaro lang siya, naku masakit ‘to sa bandang huli. Makipaglaro na lang din kaya ako?

-*-

P.S:

Naiwan ko ang U.P jacket na suot ko that night. Kahapon, dinaanan ko kay Kuya No. 1. Gaya ng dati, nandoon lang ako nag-hintay sa gate ng subdivision nila. Kagigising niya lang ata.

Kuya No. 1: Naiwan mo. Nagmamadali ka kasi umuwi nun e. 'Di ba sabi ko ‘dun ka na lang matulog sa bahay?
Me: (Lying) Ah, may lakad pa kasi ako nun.
Kuya No. 1: ‘San naman?
Me: (still lying) Family thing. O, una na ako. May pasok pa ako bukas eh.
Kuya No. 1: I-text mo ako. Madami tayo dapat pag-usapan.
Me: (Puzzled) Sige.

Habang chine-check ko ang jacket ko, may nakita akong panyo. Panyo niya. Ambango. Siyete. Gayumahin ko na kaya? :-)












4 comments:

  1. Haha, at siyempre kelangang may special mention sa akin dito. Lol.

    Iba ka talaga mr use. napaka exciting talaga palagi ng buhay mo.

    ReplyDelete
  2. Tse! Exciting na ba yan for you? LOL

    ReplyDelete
  3. sabi q na nga ba eh, di ka talaga makakatiis na di pupunta dun eh... kaya pala d ka na nagtext nung gabi kasi busy ka nga... wahahaha!!! hala, baka lumalim yan. hindi ka mamumutla?

    ReplyDelete
  4. ramdam ko ang bawat eksena. NKKLK. hahaha

    ReplyDelete