Sunday, February 13, 2011

Karma ko 'to. :-(

Last week, hindi man lang ako nakatanggi sa mga pagyayaya mo. Lunes na lunes, sinamahan kita uminom. Eh ano kung hindi ako naka-pasok ng office the following day? That same day, nag-decide ako na igi-give up ko na ang kagaguhan ko sa iyo. Feeling ko kasi, joke lang ako sa iyo. Hindi kasi ako naniniwala na pwedeng maging tayo o seseryosohin mo ako. 

Nung friday, nagyaya ka na naman. Naiinis ako. Sa sarili ko. Kasi nakapagdesisyon na ako na burahin ka na sa buhay ko. Pero wala. Hindi ko pa yata kaya. Kaya gaya ng dati, walang pagaalinlangan ako na sumama sa iyo kahit na 'di na ako makagulapay sa sobrang pagod. Sige lang. Tinanong kita kung bakit nagyayaya ka na naman considering na nung Lunes, magkasama na tayo. Sabi mo, pupunta ka na kasi ng Olonggapo para doon mag-trabaho. Matagal tayong hindi magkikita. Kaya gusto mo sulitin ang pagkakataon na makasama ako. Mushy. Pero pinaniwalaan kita. Sincere kasi ang pagkakasabi mo.

Sinasadya ko na hindi talaga tumabi sa iyo. O kausapin ka ng sarilinan. Dumistansiya ako. Mas pinili ko makisalamuha sa mga friends mo na alam kong tuwang-tuwa sa akin. Hanggang ngayon, panghahawakan ko yung sinabi nila na ako ang coolest "ehem" na nakilala nila. Masaya ang palitan naman ng mga kwento. Ikaw, nananhimik ka lang sa isang tabi. May sariling mundo. Habang nagsasalita ako, hiniram mo pa ang cellphone ko. Nag-type ka ng "kamusta na kayo ng bf mo?". Nang ibalik mo sa akin ang cellphone ko, nagulat ako. Tinignan kita ng masama. "Huh?". Pero ikaw, nanatili ka lang nakatingin sa akin. Mata sa mata. Putang ina, natunaw ako. “Kami pa naman. Bakit?”. Natigilan siya. Malungkot. Hindi na siya nakasagot. At dahil hindi ko nakuha nag sagot na gusto kong marinig sa iyo, sumimangot na din ako.

Hindi na kinaya ng pantog ko ang dami ng beer na nainom ko. Kailangan ko umihi. Habang naglalakad palayo sa mesa na pinagiinuman natin, sumunod ka. Inalalayan mo ako. Hindi ka pa masyado lasing nun. "Bakit ka nagagalit sa akin, 'di ba dapat ako ang mas magalit sa iyo?". Hindi pa nag-sink in sa akin nun na gusto mo na ng personal at seryosong usapan. "O bakit ka din nagagalit?", ganting hirit ko. "Bakit hindi mo ako tinatabihan? o kinakausap?". Sinabi ko ang dahilan ko. Tinanggap naman niya. Bago pa tayo makabalik, OK na tayo.

Lumipat pa tayo ng bar. Gusto ko at ng mga kaibigan mo kasi na mag-videoke. Habang nagaagawan ang mga kaibigan mo ng mic, kinausap mo ako. Dahil na rin siguro sa ingay, halos itapat mo na ang bibig mo sa tenga ko para lang itanong na "O ano na?". Ibinalik ko sa iyo ang tanong mo. "Seryoso ka ba sa akin?". "OO". Malakas ang pagsagot mo. "Ikaw?". Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsabi ng nararamdaman ko. "Gago, seryoso ako sa iyo. Sa tingin mo, sasamahan kita ng paulit-ulit ng wala lang? Gusto kita. Gustong gusto. Kung sex lang habol ko sa iyo, wala na ako dito ngayon. Kasi first time pa lang, nakuha ko na iyon sa iyo". Natigilan siya. Napatingin sa akin. Ngumisi. Heto na naman. Natunaw na naman ako. Akala ko, hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Maya-maya pa, inakbayan niya ako na halos nagyayakapan na kami. “I love you”. Putang ina. Ano na ito? Hindi muna kita sinagot. Pinakiramdaman ko kung sincere ka. “I love you too.”  Totoo yun. Sa mga panahon na ito, napadami na ang nainom mo.

Ang saya saya ko. Lalo na noong hinalikan mo ako sa labi.

Natapos ang gabi ng maayos. Pero ni hindi ka nag-text kinabukasan.

Pero hindi pa ako handang bitawan ko matapos ang mga nangyari nung huling beses na naginuman tayo. Tinanong ko ang isang kaibigan mo kung ganun ka ba talaga. Sabi niya, tamad ka daw talaga mag-text. Sabi niya, ‘wag daw ako agad mag-give up sa iyo. Sabi niya, noong unang beses na nakita niya tayo na magkasama, may “spark” daw. Bagay daw tayo. At ang pinanghahawakan ko na sinabi niya, seryoso ka daw sa akin.

Pero dahil galit nagtatampo na din talaga ako sa iyo, huli na sanang text ko sa iyo ang “Ingat ka jan sa gapo. Pagbutihin mo trabaho mo. Miss na kita.”, tapos ide-delete ko na ang cellphone number mo at magmumukmok ako ng isang lingo tapos OK na. Magmo-move on na ako. Pero nag-reply ka pang hayop ka. “Thanx Francis. Kita tayo ‘pag nakauwi na ako.” Putang ina.

Nangako ka sa akin na babatiin mo ako ngayong Valentine’s Day. Mas nauna pa nga kita batiin kaysa kay Potter e. Pero as of 1:21 PM, wala ka pa din text.

Gulung-gulo na ako sa iyo.

Pero wala akong sinisisi sa lahat ng mga nangyayaring ito sa akin. Kasalanan ko lahat ito. Meron na nga akong karelasyon, nakikipaglandian pa ako sa iyo.

Pero masaya kasi ako sa iyo e. Mahal nga kita, ‘di ba?

Susme. Ano na ba nangyayari sa akin.

Karma ito. Karmang maliwanag. Tsktsktsk…



Wednesday, February 9, 2011

Ang saya saya!!!

At dahil maganda ang gising ko ngayon at inspired kami kumanta ni Kuya Alvin, isang kaibigan na wala din kasing-ningning ang star complex, eto ang aking unang sampol.

BABALA: 'Wag mo itodo ang volume. Mabibingi ka!!! Bwahahaha!

Chasing Pavements (a Gabe Bondoc's cover):


Fallin' (a Janno Gibbs' cover):


P.S: Aayusin ko na sa mga susunod. Pagbigyan niyo na ako. First time ko pa lang naman sa paglalagay ng mga recordings chorva e. LOL.

Sunday, January 30, 2011

Aayos na ako. :-/

I forgot our monthsary. Again.

Hahaay. The week could have been fun but the thought of forgetting (for the nth time) our monthsary bothered me. I lost focus. All along, I was thinking of how I can get out of that sh*t. For those times that I forgot the god damn date, I was able to pull off believable excuses.

Usually, he would just text me with “Happy monthsary” with a frowning smiley at the end of his message. That’s my cue to offer him my apology and lay my excuses. But this time, it’s different. He texted me with a very striking “nagiba ka na nga”. No frowning smiley. But those plain words are charged. Drama princess na rin si Potter? Oh no.



I called him up and sincerely said “sorry, nakalimutan ko talaga”. Then a moment or two of dead air. I was frustrated. I expected him to curse me (I know he can’t. He doesn’t curse). I expected him to yell at me (Oh yes, he can). In an alarmed tone, I said “O ano?”. Then he hang up.

That made me think. Big time. Siguro, kahit na magaling ako magtago at magsinungaling, he knew that I was doing something else. I’ve been telling my friends that “love” and “sex” are mutually exclusive things for me. I know how to play. I also know that I love Potter. Siya lang.

Pero lately, nasobrahan yata ang paglalaro ko. Marami na yata ako nabigay sa mga kalaro ko at napansin na ni Potter na kulang na ang binibigay ko sa kanya. Hahaay…

Last Friday, he texted me “Sa Sat. Usap tayo.” I am expecting this. No. I’m expecting something worse like he would broke up with me via SMS. Paranoid much.

Last Saturday, as agreed, he came to our house. He talked about how stressful his job was. I listened. He kept on talking. In any moment, I expected him to tell me how disappointed he was of me. But he never did. I saw a very tired Potter. This is bad. Before we went to bed, pinangunahan ko na. “Sorry” (with smoldering stare). He said nothing. He was just staring at me the entire time. Blank face. Tsk. That almost killed me. “Ano ba? Magsalita ka! Magalit ka!”. Finally, he gave a cute smirk. Then a sigh. “Ah yun ba? OK na yun. Ang mahalaga, mahal mo ako. ‘Di ba?” I was petrified. OMG. This is not Potter’s typical behavior. In our 3 years + of relationship,  siya yung mas nagsna-snap at ako naman ang mostly nakikinig lang at magsasalita lang pag medyo malamig na ang sitwasyon.

“OK ka lang?”

“OO naman”, a chuckling Potter replied.

“Weh?” (I was trying to make him laugh some more)

“OO nga!”

“Hindi mo ako aawayin?”

“Naku. We had enough of that. Maybe this time, mas magwo-work ito kung magi-intindihan tayo”

I can’t say a word. Tumaas pa nga ang kaliwang kilay ko. Owver.

“Pero mahal mo pa rin ako, ‘di ba?”

I gave him a hug. “Salamat ha. I love you”

At natulog na kami.




Pag-big nga naman. J












Sunday, January 23, 2011

Laro ba 'to?

Remember Kuya No. 1 sa aking post entitled “Live a Happier Life :-))"?

Kuya No. 1: San ka?
Me: Office. Ikaw?
Kuya No. 1: Bahay. Walang magawa. Bored na ako.
Me: Oh. So ano plano?
Kuya No.1: May lakad ka tonight? Inom tayo?
Me: Wala naman. Sige. Text na lang kita. May pinapa-rush sa akin ang Boss ko eh.
Kuya No. 1: Ok. Asahan kita ha. May problema ako e.

Tinapos ko agad ang pinapatapos sa akin ng Boss ko. Tapos sumilip agad sa Facebook para i-check kung on-line pa si Kuya No. 1. Positive. Binalikan ko ang FB conversation namin. May problema daw siya. Hmmm… Napaisip ako. Siguro big time at kailangan ng alak. Siguro babae. Siguro barkada. Siguro pamilya. Hahaaay…Considering na hindi naman kami talagang close, sumuko na ako sa kaka-assume.

Pero iba ang nararamdaman ko sa inuman na ito. Bonggang kaba. Kinailangan ko humingi ng payo sa isang kaibigan.

Me: (After telling him na kinakabahan ako sa invitation no Kuya No. 1)
Friend: Ay, kinakabahan ka kc alam m0ng mer0n kang ga2wing KASALANAN. Wahaha!
Me: haaay naku. siguro nga. pero ibang kaba ito eh. :(
Friend: Nahu2l0g ka na sa kanya!
Me: Putangna. Wag ka nga ganyan.
Friend: Ui! Pagpa2lit n c p0tter para kay kua 1. Wahaha!ü Hindi ka mamu2tla? 22l0y k pa b mea ha? 00 o HINDI?
Me: Nagiisip p ako. Ano advise mo. Tuloy o Huwag?
Friend: Kc depende naman un sau. Kung ikaliligaya m0h naman ang pagpunta dun eh. Kas0 kung mer0n kang nafefeel n d maganda, wag n lang dba? Bka kung anu pang mangyari. Besides, t0d02 gala ka na dis past few weeks.
Me: Tuloy o Hindi?
Friend: HINDI!  Dba sbi m0h ayaw m0h ng mattempt? Pinipigilan m0h n un. Pagpa2l0y m0h lng un. Aminin m0h, d ka makatiis?  Dba sabi m0h iniiwasan m0ng gumawa ng d maganda. Kpag pumayag ka sa al0k ni kua, Given na un n me mangya2ri. Nagets m0h na?
Me:  Hindi ako papayag na may mangyari. Solb na ako sa 1 beses lang. May problema daw siya. Kaya ayun, kailangan lang yata ng kausap. Nakokonsensya naman ako pag ii-ignore ko lang.

Kahit na ang lakas ng ulan at mas masarap sana matulog sa bahay, pumunta ako (sorry Friend). Hindi ko kayang baliin ang pangako ko kay Kuya No. 1 sa panahong ito. Habang nasa biyahe,  tinext ko yung mga high schook friends ko na kasama ko nung 1st time na pumunta ako sa subdivision niila Kuya No. 1. Wala reply. Mas lalo akong kinabahan. Putangina naman. Ako lang mag-isa? Gusto ko na sanang mag-back out nang tumawag si Kuya No. 1 sa akin.

Kuya No. 1: 'San ka na? Kanina pa kita hinihintay (may bakas ng pagkairita sa boses niya).
Me: On the way na. Pero nagdadalawang isip ako. Si (bugaloo) at si (pilay), hindi nagrereply sa mga text ko. Ako lang mag-isa. Nahihiya naman ako (sigh here). Kinakabahan ako.
Kuya No. 1: O, kung ayaw nila sumama hayaan mo na sila. Ikaw lang naman talaga gusto ko makasama tonight eh. Tsaka bakit ka kinakabahan? ‘Di ba in-assure na kita na walang mangyayaring masama sa iyo basta’t kasama mo ako? ‘Di ba?
Me: Oo na oo na. Malapit na ako. Sige. Text kita ‘pag nasa gate na ako ng subdivision iyo.

Sa totoo lang, sa halip na kiligin ako sa mga sinabi niya, tumodo na ang kaba ko. Naguguluhan ako. Susme. From the eternal words of the great Nishiboy, “what am I doing with my life?” LOL

Pero wala pang ten (10) minutes, nasa gate na ako ng subdivision nila. At nang akmang kukunin ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng U.P jacket ko, palapit na siya sa akin. Putang ina. Muntik na ako tumakbo. Si Kuya No. 1, naka-boxer shorts at muscle shirt lang kahit na hanglamig…. May isang extra payong pa na I assume, para sa akin.

Kuya No. 1: Takot pa?
Me: OO. Pero hayaan mo, lilipas din ‘to (sa totoo lang, ihing-ihi na ako sa kaba at lamig.tsk)
Kuya No. 1: O eto payong. ‘Wag ka magpaulan. Ako, kagagaling ko lang sa sakit.
Me: ‘Wag na. OK na ako sa hood nitong jacket.
Kuya No. 1: Pasaway ka talaga. Halika nga dito (habang inakbayan ako at hinila palapit sa katawan niya)
Me: Ok na OK na. May yosi ka (read: na-stress si tanga LOL)?

‘Pag dating namin sa bahay nila, pumasok siya sandali. Susme. Hindi ko alam kung sino ang ite-text ko. Gusto kong may makaalam kung nasaan ako sa mga panahong yun para kung mawala na lang ako bigla, may lead sa kaso. Seryoso yun. Pero na-blangko ako. Lumabas agad si Kuya No.1 at may dalang yosi.

Kuya No. 1: Gusto mo ng yosi ‘di ba? O.
Me: Oi. Salamat. Matutulog na yata sila (kapamilya ni Kuya No. 1)
Kuya No. 1: Ah. Oo. Hayaan mo lang yan. Nagpaalam naman ako na may darating nakaibigan ko e. Dito ka matulog ha.
Me: (this time, medyo naiibsan na ang kaba ko. Siguro dahil na rin sa yosi?) O. Sige. Ite-text ko lang si Mama.
Kuya No. 1: OK. Sabihin mo ihahatid kita bukas sa inyo.
Me: (This time din, medyo nagsi-sink in na sa akin na napa-mushy na nga si Kuya at pwede na din kiligin ng kaunti) Sige na sige na. Magpabili ka na ng alak. Kung makita mo si (kuyang may Listen ni Charice sa cellphone niya), isama mo na. Baka ma-bore ka kasi sa akin.
Kuya No. 1: Sige. Sandali lang ha.


Nang bumalik si Kuya No. 1, kasama na nga si Paul. Kasama na din si Dan (bading din).

Me: O, game na para makarami.
Kuya No. 1: San mig light lang yung sa iyo para ‘di ka agad malasing. Galing ka ng trabaho ‘di ba?
Dan: Yown! (Tawa ng malakas)
Me: Eh kaya nga tayo iinom ngayon para malasing ‘di ba? Hahaha. O, ano yung problema mo? Kwento mo na.
Kuya No. 1: Mamaya na. Tsaka sa iyo ko lang gusto sabihin yun. (at kumindat pa si tanga sa akin)
Dan: OMG. Alis na lang kaya kami ni Paul?
Paul: ‘Wag naman (read: sabik sa alak si tanga LOL)

Kwento dito. Bola doon. Inom dito, buga doon. Masaya naman ang inuman na ito. Hindi nga perfect (kasi walang videoke o kaya dumadagundong na sounds) pero OK na din. At least this time, wala na masyado tensiyon.  Komportable na. Ubos na ang alak. Aaminin ko, napalakas ang inom naming lahat.

Dan: O, bili pa ako?
Paul: Siyempre. Ano gagawin natin, tutunganga?
Me: Sige. San kayo bibili? Sama ako!
Dan: ‘Wag na. Dito ka na lang. (tawa here. Isang mapang-asar na tawa sabay tingin sa amin ni Kuya No. 1)
Me: Tse!
Kuya No. 1: Ayaw mo?
Me: Gusto! (tawa ng malakas here)


Putang ina. Lasing na ako. Nagsisimula na akong lumadi eh. LOL


Kuya No. 1: O bakit may singsing ka? Dalawa pa.
Me: O. ‘Di ba sinabi ko na sa iyo last time na may boyfriend ako? Yung isa, binigay niya nung 1st monthsary namin. Yung isa, nung 1st anniversary namin.
Kuya No. 1: Ilang years na kayo?
Me: 4 years na sa August 26. Bakit?
Kuya No. 1: O, ang tagal niyo na pala ng boyfriend mo eh. Bakit ka pa nandito?
Me: ‘Di ba ikaw yung nag-invite sa akin? Sabi mo may problema ka kaya gusto mo uminom?
Kuya No. 1: (Halakhak here) Ah yun ba? Bored lang ako. Tsaka nami-miss kita e.
Me: Putangina. Seryoso?
Kuya No. 1: Oo nga. OK na sana kaya lang ngayon may problema na talaga ako.
Me: O ano na yan this time? Bored ka na ulit? Inaantok ka na? Hahahaha!
Kuya No. 1: Pano na ako? May boyfriend ka na pla e.
Me: Ganun? Kaya ko naman kayo pagsabayin eh (thinking na nakikipagbolahan lang si Kuya No. 1 sa akin kaya nahiritan ko siya ng ganito, sabay halakhak)

Dead air. Awkward. Nakakahiya kasi napalakas ang tawa ko. Si Kuya No. 1, nagiba ang mood. Nalungkot. I feel na genuine ang lungkot na iyon considering na masayahin ang disposisyon niya mula nung una ko siyang makita.



Me: Ay. Ano ba. Ano ba plano mo kasi? (read: Katorse? LOL) ‘Di ba may girlfriend ka?
Kuya No. 1: Iba ka eh. Basta. Masaya ko ‘pag nakakasama kita.. Parang gusto ko bukas kasama ulit kita.
Me: Aw.

Yumakap siya. Mahigpit. Nakaka-suffocate na yakap.

Me: Oi. Iba na yan ha. (virgin tawa here)

Hindi nagsasalita si Kuya No. 1.  Hinaplos ko na lang yung buhok niya. Walang gustong magsalita ni isa sa amin.

Hindi fake ang moment na ito.  Alam ko . Masaya ako. Ganito ang feeling ko nung una kaming mag-hug ni Potter. Ito yung tipo ng yakap na ini-enjoy lang at normally hindi nauuwi sa sex.

Magkayakap pa rin kami nung dumating si Dan at Paul. At gaya ng dati, natawa ulit si Dan. Si Paul naman, parang na-shock.

Me (to Paul): O bakit?
Dan: Hahaha. ‘Di yumayakap kahit kanino yan si Kuya No. 1. Kahit sa mga babae.
Paul: Lasing na yata yan eh. Oi, pumasok ka na.
Kuya No. 1: (Habang dahan-dahan na kumawala sa pagkakayapos sa kin) Hindi no. Bumili ba kayo ng yosi? Pulutan?
Dan: (Halakhak)
Paul: Pinapaalis mo ulit kami?
Me: (Kilig much. Wagas na kilig)

Masaya ang gabing yun kahit na natigil din ang 2nd round ng inuman dahil lumubas ang tatay ni Kuya No. 1. Naiintindihan ko si Sir. Bata pa nga naman si Kuya Nio. 1 (22 y.o) para magpakalango sa alak.

Ako, lango na din. Sa alak. Sa yosi. Sa yakap, ni Kuya No. 1. :-)

Ngayon, confused ako. Hindi ko alam kung naglalaro lang si Kuya No. 1. Hindi ko din alam kung ano ang next move ko. O maghihintay na lang ba ako ng next move niya.

Kung naglalaro lang siya, naku masakit ‘to sa bandang huli. Makipaglaro na lang din kaya ako?

-*-

P.S:

Naiwan ko ang U.P jacket na suot ko that night. Kahapon, dinaanan ko kay Kuya No. 1. Gaya ng dati, nandoon lang ako nag-hintay sa gate ng subdivision nila. Kagigising niya lang ata.

Kuya No. 1: Naiwan mo. Nagmamadali ka kasi umuwi nun e. 'Di ba sabi ko ‘dun ka na lang matulog sa bahay?
Me: (Lying) Ah, may lakad pa kasi ako nun.
Kuya No. 1: ‘San naman?
Me: (still lying) Family thing. O, una na ako. May pasok pa ako bukas eh.
Kuya No. 1: I-text mo ako. Madami tayo dapat pag-usapan.
Me: (Puzzled) Sige.

Habang chine-check ko ang jacket ko, may nakita akong panyo. Panyo niya. Ambango. Siyete. Gayumahin ko na kaya? :-)












Wednesday, January 19, 2011

Sorry boys, Claire has to leave :-P

On this day, another dear friend of mine will leave and go back to KSA...She's also a nurse. One hot nurse :-). Pero hindi ako magda-drama. OK, i'll try not to. I'll just make this simple pero tagos hanggang bone marrow mo.

Medyo na-late man ang start ng ating friendship (H.S lang tayo naging mag-classmate), wala naman yun expiry! Tsk, mayaman na nga ang KSA, dinadagdagan pa ng isang katulad mo na mayaman sa ganda at bait. To you little miss sunshine, enjoy your stint there. 'Pag check na ang rampa mo jan, uwi na agad. Alam mo na 'teh, pila balde ang mga boys sa dance floor (*wink)! Hindi ako magsasawa na bakuran ka sa mga chaka na dancing jologs at ihatid ka sa bahay niyo after partey.





P.S: Aminin mo 'teh, ia-alay mo sa akin si darker Gerald Anderson! :-))

Tuesday, January 18, 2011

Afternoon delight with Kuya Alvin

Halaw sa kulitan naming magkaibigan sa Facebook:

Me: Kuya Alvin, malandi ba ako?
Kuya Alvin: Slight.
Me: Slight? Sabi mo dati ubod? Sweet kaya ako.
Kuya Alvin: Sweet and sour!
Me: Ikaw Sweet Lapus
Kuya Alvin: Ikaw sweet dreams beautiful nightmare!
Me: Ikaw sweet potato.
Kuya Alvin: Weh?

Me: Naman!
Kuya Alvin: Ikaw sweet surgum!
Me: Susme. May surgum ba? Akala ko sorghum?
Kuya Alvin: Ay, yun nga! LOL. Ikaw sweet spakes.
Me: Putangna. Kung anu-ano na lang?
Kuya Alvin: Haha. Meron pa!
Me: O ano pa?
Kuya Alvin: Sweet chili sows. LOL
Me: Ay. Galit na galit ah. Ang dami naiisip eh.
Kuya Alvin: LOL. Di naman.
Me: Ikaw sweet shirt (as suggested by Jhogo)
Kuya Alvin: Pwide

Tambling! Hahahaha...:-))

Presenting, ang walang kakwenta-kwenta kong kausap (joke):



After five (5) minutes of posting, nag-request si Kuya Alvin na ang picture na ito na lang daw i-attach ko sa entry na ito LOL:



P.S.

Sa mga susunod na post ko na lang gagandahan ang story ko tungkol sa iyo ha. Hehehe...

Monday, January 17, 2011

Goodbye for now, partey again tomorrow

Natagalan din bago ako nakapag-post ulit. Napadalas kasi ang partey ko with friends. I remember a week na tatlong (3) partey ang in-attend-an ko. Yung isa dun, sa elbi (Los Baños) pa. Speak of time management maka-partey partey lang.

Sa mga panahong sinusulat ko ang entry na 'to, sisinghot-singhot ako. Hindi dahil emo at nagu-umiyak ako pero dahil tinamaan ako ng flu. Sinasabayan pa ng ubo na lume-level sa kahol ni Brandy (famous dog ni Kuya Alvin).

Yesterday, a friend of mine left and went back to some middle eastern country. She's a nurse and was here in PH for around two (2) months for vacation (according to her, but homecoming for me). And just so you'll have an idea of how we are as friends..eto. Para sa iyo ito, Bienmelyn Rocio Lagasca:

- Ikaw na Grade 2 pa lang hanggang 4th year H.S, magka-klase na tayo.
- Ikaw na Grade 3 pa lang, nambugbog ka na ng kaklase (i.e., Timothy Baylon) dahil ninakaw niya yung I.D mo at nung sinasauli na sa iyo eh biglang nag-confess ng puppy love niya sa iyo. Ayun. Nag-amok ka tuloy.
- Ikaw na sinasama ako sa bahay niyo noong Grade 4 para kunin ang xylophone mo. Tuwang-tuwa ako na tumugtog nun kasi pangarap ko na makasali sa drum ang lyre band ng school at alam kong alam mo na you're doing me a favor sa tuwing pinapahiram mo sa akin ang xylophone mo.
-Ikaw na nagbansag sa akin ng "chuckie" na hanggang sa mga panahong ito eh pinapangatawanan ko.
-Ikaw na Grade 5 or 6 eh nakipagsabunutan sa isang kaklase (i.e., Lea?). Wonder sabunutan kasi with matching gulong-gulong pa kayo sa sahig natin.
-Ikaw na 1st year pa lang, hindi na nagkalayo ang ating mga upuan. Since then, walang humpay at wagas ang pangungupal natin sa iba nating classmates.
-Ikaw (at si Badet) lang ang nakasakay sa panatisismo namin noon kay Leila Barros ng Brazil nung 2nd year tayo.
-Ikaw na ang napasama sa Top 10 noong third year pero absent ka naman nung in-announce ni Ma'am Dignos. Kailangan mo pang puntahan sa bahay niyo para marinig mo ang good news and in turn silbihan kami ng meryenda. Haha!
-Ikaw na nag-shine talaga noong senior prom natin.
-Ikaw na hindi nakalimot mag-text and i-friendster ako noong mga panahong kailangan kong lumayo for college (sa elbi ako while ikaw, sa Q.C nagaral)
-Ikaw na nandoon nung nag-prepare si Mama ng surpirse partey for me noong grumaduate ako from college. At first, ayaw ko talaga ng partey na iyon kasi mas gusto ko mag-celebrate sa elbi. Pero dahil andun ka, naging extra special ang celebration.
-Ikaw na present din kapag gumigimick tayo sa NovaStop kapag may sahod na ako galing sa TeleTech Nova.
-Ikaw na most of the time eh naka-pout sa mga pictures mo.
-Ikaw na ang nagpasalubong sa akin ng chocolates as soon as nagbalik-Pinas ka. At pinayagan mo pa ako kumupit ng more chocolates para may suhol sa nanay ko for going home late again. Haha!
-Ikaw na laging may invitation sa akin para pumartey at ako naman na walang tinanggihan sa mga invitations mo, masulit ko lang ang rare time with you while on vacation ka.
-Ikaw na kung pumartey eh wagas din.
-Ikaw na merong Ival. :-))
-Ikaw na. Ikaw na nga Bhien!

  


- At ikaw na cry baby! Aminin mo, hindi ka naman iiyak sa post na ito eh di ba?


Hanggang sa muling pag-partey partey natin! Ingat dyan. Alam kong sahod-balde ang laway ng mga Arabo diyan sa iyo. Hahaha.

Mami-miss mo ako. Aminin mo yan 'teh!


P.S.

Sa isang kaibigan na feeling niya eh lagi siyang iniiwan o iniwan ko siya...read this. Feel me. And try to remember how I tried to remind you yesterday na walang iwanan while i'm sulking because I need to say (temporary) goodbye to a friend. OO, kinokonsensiya kita. LOL